pambansang dila

nitong nakaraan, pahirapan bago ako makasulat. iba kasi pag di bola, dudugo ka muna bago makabuo ng talata. nakapagtatakang bigla tayong nilimot ng musang buong buhay nating kaagapay.

bihag na ng puso ang manunulat, kaya nagtatampo ang panulaan.

halatang pilit ang ingles na pinapakawalan ng ating mga tinta. nakakapanlumo, lalo na’t naturingan ka pa namang propesor ng salitang banyaga, at ako, nasa bansang ito ang ang pangunahing salita. sa madaling sabi, ingles ang bumubuhay at nagpapakain sa atin.

pero bakit ayaw umagos ng diwa sa papel ng ating pag-ibig? sabi mo, kasi makata ang ating mga puso. sa totoong buhay, nagiingles lang tayo kapag nag-aaway. kasi mas mabilis ang daloy ng poot, galit, tampo, at naguguluhang puso kapag me kalakip na shyet at pakyu.

pero ang lambing, ang pangako ng hambambuhay, di saklaw ni ginoong webster. mas ramdam natin ang lutong ng “mahal na mahal kita” kesa “aylabyu”.

kaya di ko na pipilitin pang magsulat ng di naman kayang basahin ng iyong puso.


nga pala, patawad,
kahit nananagalog,
cebuano pa rin ang ang aking tono P

~ by ragerain on August 4, 2008.

Leave a Reply