mahal ko si ryan
No matter how hard you try not to, you fall. and it’s scary as hell. But if there’s one good thing about falling, it’s the chance you give others to catch you.
-Meredith Grey, Grey’s Anatomy
laftrip ang tibay natin. maiiyak kang matatawang di ka makapaniwala na nagkakatotoo rin pala ang mga panaginip.
yung parents natin, kahit nkita nla kung paano tayo nilalanggam sa lambing nun, napapabilib pa rin kung paano tayo naghanapan at naghintayan. walang panama ang mga lab stories nila.
yun mga tao natin sa publication, binobomba tayo ng mga tanong kng bakit “naulit muli”. sinasaluhan nila tayo habang binabalikan natin kung paano nagkainlaban ang dalawang matatapang na manunulat na bago nagkakilala, ni ayaw banggitin ang nakakasukang salitang “pag-ibig”.
lahat ng taong nakita at nakilala tayo noon, masaya para sa atin. yung mga bagong kaibigan na ngayon lng nalaman ang kwento natin, napapaluha din sa galak.
lahat, pinapangarap na magkaroon din sila ng kung anong meron tayo.
kaya beb, kahit tumtaba na’ko, kahit payatot ka pa rin, isipin natin lagi na marami ang mamamatay na lang na di nakikita ung trulab nila. alagaan natin to, ipagyabang, inggitin pa natin ang buong mundo.
wag po sana nating ipahiya ang ating fans club. hahaha.
—
habang sinusulat ko to, naglalaba ka. ka teks ko kapatid mo kasi ayaw mong mabato ako kahihintay matapos ka. ayaw mo ring bigyan ako ng pagkakataon na magtext sa iba, haha.
see, i’m being mundane. najojologs rin pala ang mga tulad kong feeling dyosa

hehe..
iba talaga pag inlab..