liyab

sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko na kinailangang magsulat para malaman ng mundo kung anumang meron tayo.

sa kauna-unahang pagkakataon, nakahanap ako ng katapat. yung tipong kaya kong magpatalo; umatras, kasi mas kuntento akong nasa likod mo.

sa kauna-unahang pagkakataon, may isang ikaw na habambuhay kong titingalain. isang bagay na habambuhay kong ipagyayabang na akin.

sa kauna-unahang pagkakataon, umibig ako ng walang pero-pero.

higit sa lahat, sa kauna-unahang pagkakataon, mahal ako ng mahal ko.

“Rain, im not perfect, you’re not perfect. together we can be. that’s what i call love and that’s how it should be. nag-uumpisa nko mabuhayan ng loob at mangarap ngayon. kasama ka. mahal na mahal kita.”

~ by ragerain on July 21, 2008.

2 Responses to “liyab”

  1. kick a**. ito ang tatalo sa “the notebook” movie.

  2. o kaya titanic..

Leave a Reply